Ang buong Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya, Tanggapang Panrehiyon- Trese, sa pamumuno ni JCSUPT MARIA IRENE A ESQUINAS
ay buong pusong nakilahok sa Brigada Eskwela Kick-Off Program na may temang: “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan”, na idinaos ngayong araw, sa mga pampublikong paaralan sa buong rehiyon ng Caraga.
Ang BJMP Caraga ay kaisa ng mga paaralan at ng pamayanan upang matiyak ang ligtas, maayos, at malinis na kapaligiran, at epektibong pagkatuto ng ating mga kabataan.